ABS-CBN Christmas Station – Star Ng Pasko lyrics

Kung kailan pinakamadilim
Mga tala ay mas nagniningning
Gaano man kakapal ang ulap
Sa likod nito ay may liwanag
Ang liwanag na ito’y nasa ating lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw, walang iba kung hindi Ikaw
Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko

Tayo ang ilaw sa madilim na daan
Pagkakapit- bisig lalong higpitan
Dumaan man sa malakas na alon lahat tayo’y makakaahon
Ang liwanag na ito’y nasa ating lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw, walang iba kung hindi Ikaw
Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko
Kikislap ang pagasa
Kahit kanino man
Dahil Ikaw Bro, dahil Ikaw Bro, dahil Ikaw Bro
Ang Star ng Pasko
Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw, walang iba kung hindi Ikaw
Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw, walang iba kung hindi Ikaw
Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko
Dahil ikaw bro
Dahil ikaw bro
Dahil ikaw bro
Ang star ng pasko…

Leave a Comment

error: Content is protected !!