FaithMusic Manila – Dakilang Gawa lyrics

Hesus ako sa ‘Yo’y humahanga
Kamatayan ay hindi inalintana
Inako Mong lahat ang kasalanan
Sa Diyos Ikaw ay nawalay
Buhay Mo ang inalay
Purihin Ka Hesus
Purihin Ka Hesus
Dahil sa ‘Yong ginawa Hesus ako’y malaya na
Tinapos Mo nang lahat-lahat ng pagdurusa
Binuksan Mo ang daan
Patungo sa Ama
Salamat Hesus
Sa ‘Yong Dakilang Gawa
Pag-ibig Mo sa aki’y ganun na lamang
Tulad ng isang yaman
Kinupkop at iningatan
Liwanag ng araw at kalawakan
Walang hanggang katapusan
Ang biyaya Mong nakamtan

Leave a Comment

error: Content is protected !!