I Belong To The Zoo – "Balang Araw" lyrics

Parang tangang kausap ang tala at buwan
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan
Pag-ahon ko sa lupa’y iiwanan lang naman
Walang nag-iba
Talo na naman tayo
Ganun talaga
Nadala na lang sa puro pangako
Baka pwede lang kahit isang saglit
Masabi lang na merong konting pagtingin
Baka pwede lang kahit pa pasaring
Sa sarili ko’y magsisinungaling
Parang tangang kausap ang tala at buwan
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan
Pag-ahon ko sa lupa’y iiwanan lang naman
Hindi ko lang masabi
Ayoko na sa’yo
Tao lang, napapagod din
Kaso ‘di ko magawang lumayo
Baka pwede lang kahit isang saglit
Masabi lang na merong konting pagtingin
Baka pwede lang kahit pa pasaring
Sa sarili ko’y magsisinungaling
Parang tangang kausap ang tala at buwan
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan
Pag-ahon ko sa lupa’y iiwanan lang naman
Kailan ba makakatulog nang mahimbing?
Kahit ilang minuto lang na ‘di ikaw ang nasa isip
Baka pupwede lang naman, ‘wag ka munang magparamdam
Dahil sawang-sawa na akong marinig na ako’y kaibigan lang
Tangina, ba’t ba walang mali sa’yo?
Hindi magawang umiwas at tuluyan nang lumayo
Kahit na anong gawin, sinusuway ko pa rin
Umaasang…
Parang tangang kausap ang tala at buwan
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan
Pag-ahon ko sa lupa’y iiwanan na naman

Leave a Comment

error: Content is protected !!